Confessional 02

Ingrid

Ang pag-ibig ay sadyang mahirap intindihin. Hindi ito kailanman lubusang mauunawaan. Sapagkat katulad nito ang langit na minsa’y bubuhos, minsa’y titila. Hindi mo masasabi kung ano ang kanyang nasasaisip. Hindi ito kagaya ng orasan na inaabangan o ng salapi na mabibilang. Sa halip, kagaya ito ng edad, ng buhay na sa isang idlap lamang ay pwedeng mawala. Walang sinuman ang nakakaalam kung kailan ito titigil. Pwera na lamang siguro kung pinili mo itong kitlin.

Ang pagsuyo ay mahirap unawain. Kumplikado minsan. Maraming bagay na gusto mong malaman pero lubhang iniiwasan ng pagkakataon. Subalit ang kaalaman at ang pag-ibig, sila ba’y dapat hindi magkasangkutan? Ang kaalaman ang nagdudulot ng pang-unawa, at ang pang-unawa ay nagbubunga ng pagkakaunawaan.

Kagaya siguro ito ng buhay. Wala ito sa ating mga kamay. Naririyan na lamang. At tayo’y magpapatangay sa agos hanggang sa huling hantungan. Maaring ako’y takot lamang na malunod. Kaya ako’y nanghihingi ng saklolo.

Ngunit, sapagkat ako’y pinagkalooban ng pagkakataon na sa ilog ng buhay at pag-ibig ay dumaloy, bagkos hindi ako karapat-dapat, ako ay nagpapasalamat.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s